MAYNILA – Ang Tanghalang Metropolitan (MET) at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), katuwang ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP) at ang Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysaysan, Sining, Kultura, at Turismo ng Bulacan (PHACTO), ang Kasaysayan Sa MET: Sineliksik Bulacan sa darating na ika-23 ng Oktubre 2024, 1:00 n.h. – 6:00 n.h. Mapapanood ang mga maiikling pelikula mula sa Sineliksik Bulacan kabilang ang: Obando at ang Sayaw ng Pananampalataya, King Wa: Ang Naglahong Kaharian ng Quingua, El Heroe Verdadero: Don Antonio Bautista, Guillermo: Ang Handog na Obra, Bahawin: Lunas sa Gitna ng Giyera at Duhawis Gerilya: Dugong Bayani.

Hatid ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at ng Local Historical Committees Network ang edisyon na ito ng Kasaysayan sa MET. Bahagi ang gawaing ito sa pakikiisa sa ika-91 na Anibersaryo ng NHCP. Magkakaroon rin ng MOA signing sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at Knowledge Channel Foundation, Inc.

Ang NHCP ang pambansang ahensiya na naatasang ipalaganap ang kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga museo, pananaliksik, mga publikasyon at ang pagpapanatili ng makasaysayang pamana gamit ang konserbasyon at pagmamarka ng mga makasaysayang pook at istruktura.

Refer to:
NHCP Communications Team
T.M. Kalaw Ave., Ermita, Manila 1000
info@nhcp.gov.ph  | nhcpcommunications@gmail.com
(+632) 5335-1217 | (+63960) 328-4200