ISLAMIC CITY OF MARAWI ─ The National Historical Commission of the Philippines (NHCP) led by its Chairman Regalado Trota Jose, Jr., unveiled the historical markers, “Pagtatanggol sa Marawi,” “Labanan sa Marawi,” “Amai Pakpak,” and “Kota Marawi” last 18 August, 8:00 a.m. The markers state:

 

PAGTATANGGOL SA MARAWI

                             SA PAMUMUNO NI AMAI PAKPAK, PINUNO NG MGA MARANAW, BUONG GITING NA IPINAGTANGGOL ANG MARAWI SA PAGSALAKAY NG MAHIGIT 1,200 SUNDALO NG ESPANYA SA ILALIM NI GOBERNADOR-HENERAL VALERIANO WEYLER, 21 AGOSTO 1891. SINUNOG NG MGA ESPANYOL ANG KOTA MARAWI AT AGAD DING NILISAN SA PANGAMBANG BALIKAN SILA NG MAS MALAKING PUWERSA NI AMAI PAKPAK. MULING HINARAP NI AMAI PAKPAK AT NG MGA MARANAW ANG MGA ESPANYOL, 10 MARSO 1895. INILUNSAD NI GOBERNADOR-HENERAL RAMON BLANCO ANG MAHIGIT 5000 SUNDALO AT APAT NA KANYONERO SA LAWA NG LANAO. SA LABANANG ITO, NAPASAKAMAY NG MGA ESPANYOL ANG MARAWI AT NASAWI ANG MARAMING TAGAPAGTANGGOL NITO, KABILANG NA SI AMAI PAKPAK. ISA ITO SA PINAKAMALAKING LABANAN PARA SA KASARINLAN BAGO SUMIKLAB ANG HIMAGSIKANG PILIPINO NG 1896.  

                             ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY INIAALAY SA ALAALA NG MGA MARTIR NG KALAYAAN SA KOTA MARAWI AT PAGTATAMPOK SA PAPEL NG BANGSAMORO SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS.

 

LABANAN SA MARAWI

                             DITO SA KOTA MARAWI NAGANAP ANG LABANAN SA PAGITAN NG MGA MANDIRIGMANG MARANAW NA PINAMUMUNUAN NI AMAI PAKPAK AT NG HUKBO NI GOB. HEN. VALERIANO WEYLER NA MAY 1,242 SUNDALO NA DUMAONG SA ILIGAN SAKAY NG MGA BARKONG MANILA, CEBU, SAN QUINTIN, AT MARQUEZ DE DUERO, 21 AGOSTO 1891. NAKUBKOB NG MGA ESPANYOL ANG KOTA SA LOOB NG DALAWANG ORAS NA LABANAN. SINUNOG NG MGA ESPANYOL ANG KOTA BAGO BUMALIK NG ILIGAN DAHIL SA NAKAAMBANG PAGBABALIK NI AMAI PAKPAK NA MAY MAS MALAKAS NA PUWERSA.

 

AMAI PAKPAK

                             MANDIRIGMA AT MARTIR NG KALAYAAN. KILALA BILANG DATO AKADIR AKOBAR NG MGA MARANAW SA HILAGANG BAHAGI NG LAWA NG LANAO. IPINANGANAK SA BUADI SA KAYO, MARAWI, NGAYO’Y LUNGSOD SA LANAO DEL SUR, AT KINILALA BILANG AMAI PAKPAK. MAGITING NA IPINAGLABAN ANG KASARINLAN NG MGA MARANAW SA MGA LABANAN SA MARAWI MULA SA PANANAKOP NG HUKBO NI GOB. HEN. VALERIANO WEYLER, 1891, AT SA HUKBO NI GOB. HEN. RAMON BLANCO, 1895. NASAWI AT YUMAO SA LABANAN SA MARAWI, 10 MARSO 1895.

 

KOTA MARAWI

                             ITINATAG SA HILAGANG BAHAGI NG LAWA NG LANAO NA NAPAPALIGIRAN NG MGA LANTAKA SA ILALIM NI DATO AKADIR AKOBAR (AMAI PAKPAK). TINANGKANG KUBKUBIN NG HUKBO NI GOBERNADOR-HENERAL VALERIANO WEYLER, 1891, NA NABAWI AT PINATATAG PA NI AMAI PAKPAK. MULING NILUSOB NG HUKBO NI GOBERNADOR-HENERAL RAMON BLANCO GAMIT ANG APAT NA MGA BANGKANG KANYONERO NA DINALA SA LAWA NG LANAO AT MAHIGIT NA 5000 SUNDALO, 1895. NAMATAY SA LABANAN ANG MARAMING MANDIRIGMA SA MAGKABILANG PANIG KASAMA SI AMAI PAKPAK, 10 MARSO 1895. NAGING KAMPO NG MGA ESPANYOL HANGGANG 1898. NAGING KAMPO NG MGA AMERIKANO MATAPOS MALATAGAN ANG KALSADA MULA ILIGAN AT MAKIPAGKAIBIGAN SA MGA MARANAO, 1903. NAGING CAMP KEITHLEY SA ALAALA NI CORPORAL GUY FURNANDO KEITHLEY AT PINALAWIG HANGGANG DANSALAN, 1905. SINAKOP NG MGA HAPON, 1942-1945. IDINEKLARA BILANG MILITARY RESERVATION, 1953. NAGING CAMP AMAI PAKPAK, 1982. IGINAWAD ANG BAHAGI NG LUPAIN NG KAMPO PARA SA MGA GUSALI NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG MARAWI, 1991.

 

NHCP Chairman Jose presented the historical marker while Marawi City Mayor Atty. Majul U. Gandamra delivered his acceptance message after signing the certificate of transfer. Witnesses to the signing were NHCP Executive Director Carminda R. Arevalo, and Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage Chairperson Salem Y. Lingasa, Ph.D.

The NHCP is the national government agency mandated to promote Philippine history through its museums, research, and publications, and to preserve historical heritage through conservation and the marking of historic sites and structures.

 

Refer to:

Historic Sites and Education Division
T.M. Kalaw Ave., Ermita, Manila 1000
hsed@nhcp.gov.ph
(+632) 5335-1217 loc. 126 | (+63960) 328-4200