1999 Board Resolutions
Resolution No. 01, S. 1999 – Declaring the church of Boljoon in Cebu a National Historical Landmark;
1998 Board Resolutions
Resolution No. 01, S. 1998– Declaring the Luneta Hotel on T.M. Kalaw Street, Ermita, Manila a National Historical Landmark;
Resolution No. 02, S. 1998– Declaring the Malcañang Palace in San Miguel, Manila a National Historical Landmark;
Resolution No. 03, S. 1998– Declaring the Manuel Acuña House in Roxas City, Capiz a National Historical Landmark;
Resolution No. 04, S. 1998– Declaring the Sheik Karimol Makhdum Mosque in Tubig-Indangan, Simunul, Tawi-Tawi as a National Historical Landmark;
Resolution No. 05, S. 1998–
Resolution No. 06, S. 1998– Endorsing the extension of services of Dr. Samuel K. Tan as Chairman and Executive Director of the National Historical Institute for Six months;
Resolution No. 07, S. 1998– Declaring the Church of San Pedro Apostol in Loboc, Bohol as a National Historical Landmark;
Resolution No. 08, S. 1998– Declaring the Clarin Ancestral House in Loay, Bohol as a Heritage House;
Resolution No. 09, S. 1998 – Declaring the Ylagan-De La Rosa Ancestral House in Taal, Batangas as a Heritage House;
1997 Board Resolutions
Resolution No. 01, S. 1997 – Declaring the Church, Convent, and Cemetery in Barotac Nuevo, Iloilo a National Historical Landmark;
Resolution No. 02, S. 1997 – Declaring this Site Where Andres Bonifacio was Court-Martialled in Maragondon, Cavite as National Historical Landmark;
Resolution No. 03, S. 1997 – Declaring the Church of Santa Monica in Pan-ay, Capiz a National Historical Landmark;
1996 Board Resolutions
Resolution No. 01, S. 1996 – Declaring Biyak-Na-Bato in San Miguel, Bulacan as a Historic Site;
Resolution No. 02, S. 1996 – Declaring Pamitinan Cave in Sitio Wawa, San Rafael, Rodriguez (Formerly Montalban), Rizal as a National Historic Site;
Resolution No. 03, S. 1996 – Declaring the Cape Melville Lighthouse in Barangay Melville, Balabac Island, Southern Palawan a National Historical Landmark;
Resolution No. 04, S. 1996 – Declaring the Luz-Katigbak Ancestral House in Lipa City, Batangas, as a Heritage House;
Resolution No. 05, S. 1996 – Declaring the Quipayo Church in Calabanga, Camarines Sur a National Historical Landmark;
Resolution No. 06, S. 1996 – Declaring the Filipino-Japanese Friendship Landmark at Boncao Hill, Mt. Isarog, Pili, Camarines Sur a National Historical Landmark;
1995 Board Resolutions
Resolution No. 01, S. 1995 – Declaring the Ramon Magsaysay House in Barrio Santa Maria, Castillejos, Zambales a National Historical Landmark;
Resolution No. 02, S. 1995 – Declaring the Casa Hacienda and its environs, the Site of the Historic Tejeros Convention in San Francisco de Malabon, Cavite as a National Historical Landmark;
Resolution No. 03, S. 1995 – Endorsing to the Office of the President the extension of services of Dr. Serafin D. Quiason, as Chairman and Executive Director of the National Historical Institute;
1994 Board Resolutions
Resolution No. 01, S. 1994 – Addendum to NHI Resolution No. 3, s. 1993, declaring specific ancestral houses in Silay City, Negros Occidental as Heritage Houses;
Resolution No. 02, S. 1994 – Authorizing the Local government Units to install historical markers in due recognition of Filipino heroes and other illustrious personages, significant historical sites, structures and events within their respective localities;
Resolution No. 03, S. 1994 – Endorsing to the Office of the President the extension of services of Dr. Serafin D. Quiason, as Chairman and Executive Director of the National Historical Institute;
1993 Board Resolutions
Resolution No. 01, S. 1993 – Declaring the Mausoleo De Los Veteranos De La Revolucion at the North Cemetery in Manila a National Historical Monument;
Resolution No. 02, S. 1993 – Declaring the Torogan House in Buadi Amito, Pompongan-A-Marantao, Marawi City, as a National Historical Landmark;
Resolution No. 03, S. 1993 – Amending NHI Resolution No. 2 and No. 2-A, s. 1990, and declaring specific ancestral houses covered by said Resolution as Heritage Houses;
Resolution No. 04, S. 1993 – Declaring the Molo Church in Molo, Iloilo City, a National Historical Landmark;
Resolution No. 05, S. 1993 – Declaring the Site of the Battle of Alapan in Barrio Alapan, Imus, Cavite, as a National Historical Landmark;
Resolution No. 06, S. 1993 – Declaring the Burial Site of Sheik Karimol Makhdum in Tandu Banak, Sibutu, Tawi-Tawi, as a National Shrine;
NHCP Final Performance Scorecard for PBB FY 2015
1.1 IATF Affirmation/Congratulatory Letter;
1.2 MFO Accountability Report Card (MARC-1)
1.3 Management Accountability Report Card (MARC-2);
NHCP Final Performance Scorecard for PBB FY 2014
1.1 IATF Affirmation/Congratulatory Letter;
1.2 MFO Accountability Report Card (MARC-1)
1.3 Management Accountability Report Card (MARC-2);
Si Maypagasa at ang Batang Malaya
SI MAYPAGASA AT ANG BAYANG MALAYA
by Ian Christopher B. Alfonso
Upang maipaliwanag nang mabuti sa mga Pilipino kung bakit holiday ang ika-12 ng Hunyo, ito’y dahil kaarawan ito ni Inang Bayan. Kaarawan dahil ito ang araw na ipinahayag sa mundo ang kalayaan ng Pilipinas. Ngunit hindi ibig sabihin na noong ika-12 ng Hunyo 1898 ay isinilang ang Inang Bayan. Matagal nang isinilang ang Inang Bayan bago pa man ideklara ang kalayaan. Ipinahayag lamang sa Kawit, Cavite ang kalayaan ng Inang Bayan, ngunit hindi dito isinilang ang Inang Bayan.
Kung paano isinilang ang Inang Bayan, iyon ay nang mapagtanto ng mga “Anak ng Bayan” (mga Pilipino) na sila’y magkakapatid, isinilang sa iisang lupain, at tumubo at namulat sa gawi at kilos ng minanang bayan. Sa panahong napagtanto pa lamang ng mga Anak ng Bayan ang ganito, si Inang Bayan ay hindi pa lubusang naisisilang. Kailangan mabuo muna ang mas malalim na kapatiran – mahirap ka man o mayaman, anuman ang kulay ng iyong balat basta’t isinilang at tubo ka sa iisang lupain; ang mailatag ang diwa ng kaisahan – na kahit Tagalog ka, Kapampangan man, Bikolano, Sugbuwanon, Ilonggo, Ivatan, Moro, Tinguian, Ilokano, Waray-Waray, o Itneg; mangibabaw ang kamalayan na ang iba’t ibang nayon, bayan at lalawigan ay dumadaan sa iisang kapalaran – inaapi, inaalipin, tinatanggalan ng dangal at karapatang mabuhay bilang isang normal na tao na anak ng Diyos; at ang kumilos upang mangibabaw ang kalooban ng mga Anak ng Bayan – ang lumaya, magsarili at pamunuan ang sariling kapalaran bilang isang bayan. Ang diwang ito ang siyang tunay na nagbigay buhay sa Inang Bayan na isinilang kasabay ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
Walang Araw ng Kalayaan kung wala ang Katipunan. Taong 1892 nang itatag ito ng mga kabataang napagtanto ang hibik ng isang babaeng pinabayaan; ang babaeng ito ay nabusabos; ang kanyang mga anak ay ‘di matiis na makita siyang nagdurusa; at kung sino ang babaeng ito, nakilala siya bilang si Inang Bayan.
Sa pangunguna nina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at iba pang kabataang nagnais na iligtas ang Inang Bayan, nilinaw nila ang kanilang papel; ang papel nila bilang mga Anak ng Bayan, ang tanging pag-asa ng bayan.
Sa loob ng apat na taon, marami ang napagtanto na sila’y mga Anak ng Bayan; salamat sa pagsusumikap nina Bonifacio. Itong si Bonifacio ay naging Supremo ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan at nakilala sa pangalang Maypagasa. Kasama si Jacinto, binalangkas nila ang tunguhin ng Katipunan. Lalong pinag-igi ang adhikain ng bayan; inalam ang tunay na kalooban ng bayan – ang lumaya na, wakasan na ang lahat ng nakakasira sa kanila, sa Inang Bayan at sa mga susunod sa kanila.
Tinuruan tayo ni Bonifacio ng tunay na pagmamahal sa Bayan: ayon sa kanya, “pakatandaang lagi na ang pag-ibig sa Diyos ay siya ring pag-ibig sa Bayan, at iyan din ang pag-ibig sa kapwa.” Samakatuwid, ang sinumang umiibig sa Diyos – at ito ang unang kautusan sa lahat ng Anak ng Bayan, ay walang pagkakaiba sa sinumang umiibig sa kanyang bayang tinubuan. Ganoon din naman, ang sinumang may pagkalinga, pag-unawa, pagmamahal sa kapwa o kababayan ay katumbas ng pag-ibig sa bayan.
Noong 9 Mayo 1899, doon sa Wawang Napindan, Taguig, nagpatawag ng malawakang pulong si Bonifacio sa lahat ng kasapi ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Layon ng pagpupulong na kunin ang pinakamataas na anyo ng niloloob ng bayan – ang simulan na ang isang himagsikan, at ito’y nangangailangan ng pagtataya ng pinakamabigat na paghahandog, ang pinakamataas na anyo ng pagpapakita ng pag-ibig sa bayan – ang buhay at ginhawa. Sa mga salita ng mismong may-bahay ni Bonifacio, si Gregoria de Jesus, “palibhasa’y ang mga anak ng bayan ay inip sa kanyang pagkakagapos (Inang Bayan) ay bumalikwas at nagkaisa na tulad sa isang tao lamang ang lahat.”
Nang matuklasan ang Katipunan noong 19 Agosto 1896, walang magawa si Bonifacio kundi ituloy na ang pagkilos ng mga Anak ng Bayan. Sa Pugadlawin ipinahayag ang paghihiwalay ng mga tumugong Anak ng Bayan sa Espanyang gumagapos sa Inang Bayan. Sa San Juan del Monte unang sumabak ang mga Anak ng Bayan sa pakikipaglaban para sa Inang Bayan. At sa kadahilanang ito, itinatag ni Bonifacio ang isang pamahalaan ng mga Anak ng Bayan na kakalinga sa Inang Bayan – ang Haring Bayan ng Katagalugan. Ang diwa ng “Haring Bayan” ay ang ipakita sa buong mundo na sa Katagalugan – ang napiling bagong itawag sa Pilipinas, ang bayan (ang mga tao o Anak ng Bayan) ang naghahari. Sa pakiwari nina Bonifacio, ito ay panumbas sa ideya ng Republika sa Europa – mula sa mga salitang Latin na res publica na ang ibig sabihin ay “patungkol sa mga tao o sa bayan.” Ang Katagalugan naman ay pagtataas sa isinusulong ng Katipunan na pagkakaisa ng lahat ng pangkat, pawang mga Anak ng Bayan, na inianak sa kapuluang ito. Ayon kay Bonifacio, “Sa salitang Tagalog katutura’y ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang ito; samakatuwid, Bisaya man, Iloko man, Kapangpangan man, atbp… ay Tagalog din.”
Gayumpaman, nagbabago ang lahat. Ang Katipunan ay hindi nakaligtas sa pagbabago. Ang simulain ng Katipunan ay unti-unting namanglaw dulot ng pag-angat ng iilang hindi kaisa sa orihinal na tunguhin ng Katipunan. Hindi ito lingid sa kabatiran ng lahat; hindi rin lingid ang katotohanang bilang Supremo ng Katipunan at Pangulo ng Haring Bayan, kinailangan ni Bonifacio na dinggin ang niloob ng kanyang mga kapatid – ang muling balangkasin ang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Naganap ito sa Tejeros, ika-22 ng Marso 1897. Tinanggap ni Bonifacio ang kalooban ng kanyang mga kapatid; ngunit isa sa mga ito ang sa kanya’y nagpangalit. Tila hindi malinaw sa iilang nasa Tejeros ang isa sa mga orihinal na pinaghahawakang aral sa loob ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan, at ito’y nakapaloob sa Kartilya: “Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay, mangyayari ang isa’y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda… ngunit di mahihigtan sa pagkatao.”
Tuluyang nawala kay Bonifacio at sa kanyang mga kasamahan ang kontrol sa Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Siya ay binitay. Sinuong ng mga Anak ng Bayan ang ibang daan na nais tahakin ng Katipunan. Gayumpaman, alang-alang sa iisang layon, ang palayain ang Inang Bayan, ang diwa ng Katipunan ay dala-dala pa rin nina Emilio Aguinaldo. Tuluyang idineklara ang kalayaan noong ika-12 ng Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite. Iginiit ang kasarinlan sa Malolos, Bulacan. Naisilang ang unang demokratikong republikang konstitusyunal sa Asya sa Barasoain. Ngunit lahat nang ito ay may kalayuan na sa orihinal na landasin ng Katipunan.
Ayon kay Artemio Ricarte, isa sa mga tagasunod ni Bonifacio at nanatiling tapat sa ipinaglaban ng Katipunan, sa mga pulong at pagtitipon na pinangungunahan ni Bonifacio, lagi niyang binibigyang diin ang mga salitang “katakutan ninyo ang kasaysayan sapagkat wala kayong maitatago dito.” Ito rin ay isinali ni Gregoria de Jesus sa kanyang mga tagubilin sa mga kabataan noong 1928.
Sa tuwing ipagdiriwang ang Araw ng Kalayaan, huwag sana nating kaligtaan ang mga bayaning hindi nangiming kumilos para maranasan natin ang buhay na malaya sa kasalukuyan. Mga bayaning iniwan ang ordinaryong buhay, ang sarap na makapiling ang mahal sa buhay, ang balewalain pansamantala ang mga pangarap dahil kailangan sila ng Inang Bayan, at itaya ang buhay sa pakikihamok.
Ang Araw ng Kalayaan ay araw ng lahat ng mga bayani, lalo na ang mga ‘di na nakilala pa’t naitala ang pangalan at kadakilaan sa kasaysayan. Ang bayang ito ay malaya dahil sa napakaraming Anak ng Bayan na nadama ang panaghoy ni Maypagasa (Bonifacio).
Isang Pagpupugay sa Ating mga Bayani at sa Pamana Nilang Kalayaan
ISANG PAGPUPUGAY SA ATING MGA BAYANI AT SA PAMANA NILANG KALAYAAN
by Ferdinan S. Gregorio
Noong ika-12 ng Hunyo 1898, sa pagitan ng ika-4 hanggang ika-5 ng hapon, idineklara ni Hen. Aguinaldo sa kanyang bahay sa Cavite el Viejo (Kawit) ang kalayaan ng Pilipinas. Iwinagayway sa bintana ng bahay ni Hen. Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas na tinahi ni Marcela Agoncillo sa Hong Kong, at tinugtog ang pambansang martsa na noo’y wala pang mga titik. Binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista sa mga Pilipinong naroroon sa harap ng bahay ang Acta de la proclamación de independencia del pueblo Filipino.
Kung tayo’y magbabalik-tanaw sa mga pangyayaring naganap bago ang paghahayag ng ating kasarinlan noong makasaysayang araw na yaon, ang labis na pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga Pilipino ang pangunahing dahilan kaya’t ang ating mga bayani ay lumaban sa pamahaalang kolonyal. Sa higit tatlong siglong pananakop ng Espanya, nakalasap ang mga Pilipino ng iba’t-ibang uri ng pagmamalabis gaya ng sapilitang paglilingkod sa sistemang Polo, mataas na buwis, sistemang bandala, pagsupil sa karapatang makapagpahayag ng mga opinyong salungat sa mga polisiya ng pamahalaan at iba pang anyo ng pang-aapi. Bagamat ang pormal na deklarasyon ng kalayaan ng ating bansa ay ipinahayag noon lamang ika-12 ng Hunyo 1898, marami nang mga pag-aalsa ang naganap sa simula pa lamang ng pananakop ng mga dayuhan. Ilan sa mga pag-aalasang yaon ay pinamunuan ng mga Raha ng Tondo, ni Sultan Kudarat sa Maguindanao, Tapar sa Panay, Diego at Gabriela Silang sa Ilokos, Maniago sa Pampanga, Dagohoy sa Bohol, Hermano Pule sa Tayabas (ngayo’y Lalawigan ng Quezon), Datu Amai Pakpak sa Marawi at marami pang iba. Labis ding nakapagpaalab ng damdaming makabayan ang pagbitay sa GOMBURZA noong 1872 at pagbaril kay Jose Rizal noong 1896.
Ang mga bayani nati’y nag-iwan ng mga aral at halimbawa nang sila’y lumaban at nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan. Ipinamalas nila na ang pagmamahal sa tinubuang lupa at sariling lahi ay ang pinakadakilang anyo ng pag-ibig. Ikinintal nila sa ating mga isipa’t damdamin na ang pagkakaroon ng sariling pamahalaan ay mahalagang salik ng pagkabansa – isang pamahalaang kinikilala, iginagalang at ipinagmamalaki ng mga nasasakupan. Kaakibat ng pagtatatag ng sariling pamahalaan ay ang pagbalangkas ng saligang batas na magiging batayan ng mga alituntuning susundin ng mga mamamayan para sa ikabubuti ng lipunang kanilang ginagalawan. Naging inspirasyon ang mga ninuno’t bayani natin upang tayo’y mangarap at gumawa ng mga hakbang tungo sa mga repormang kinakailangan upang higit na mapagbuti ang kalagayan ng ating bansa. Ang bayaning tulad ni Mabini ay nagpakita na hindi hadlang ang kapansanan upang makapag-ambag sa mga adhikaing isinusulong para sa kabutihan ng bayan. Si Tandang Sora nama’y hindi ininda ang katandaan sa paglilingkod sa kapwa Pilipino. Kung sina Rizal, M.H. del Pilar, Lopez-Jaena at iba pang mga propagandista’y gumamit ng pluma at papel sa pakikipaglaban, sina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo nama’y gumamit ng sining upang gisingin ang nasyonalismong Pilipino. Ipinamalas ni Bonifacio na ang kakapusan ng mataas na antas ng edukasyon ay hindi maaring makapigil sa pag-usbong ng damdaming makabayan. Ginamit naman nina Lapu-Lapu, Sultan Kudarat, Diego Silang, Emilio Aguinaldo, Gregorio del Pilar at mga Katipunero ang kanilang lakas upang ipaglaban ang ating kalayaan. Nakita natin sa ating mga bayani ang pagnanais na makawala sa gapos ng pananakop – bagamat magkakaiba sila ng pamamaraan ng paglaban, iisa ang kanilang layunin – ang maging malaya ang ating bansa.
Maliban sa paggunita ng ika-115 taong anibersaryo ng ating kalayaan, ang taong ito rin ay natatangi sapagka’t ipagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio. Si Andres Bonifacio ay sumagisag sa karaniwang Pilipino na nagnais magkaroon ng pagbabago sa lipunan. Una siyang sumapi sa La Liga Filipina at nang mabuwag ang samahan, pinamunuan niya ang pagtatatag ng Katipunan upang makamit ang minimithing kalayaan. Nagsulat rin siya ng mga sanaysay at tulang gaya ng Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog at Pag-ibig sa Tinubuang Lupa na lalong nakapagpaalab ng nasyonalismong Pilipino. Napakahalaga ng bahaging ginampanan ni Andres Bonifacio noong panahong kasukdulan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan. Pinangunahan niya ang pagpunit ng sedula bilang hudyat ng paglaban sa mga mananakop. Siya rin ang namuno sa mga Katipunerong lumusob sa mga sundalong Espanyol sa San Juan del Monte noong ika-30 ng Agosto 1896 ay nagmarka sa ating kasaysayan. Magpahanggang ngayon, maraming kabataang Pilipino ang humahanga sa kanyang katapangan. Maraming mga aklat at mga artikulo sa pahayagan ang patuloy na naisusulat hinggil sa kaniya. Hindi rin tayo nakalilimot na bigyang parangal si Gat Andres tuwing ika-30 ng Nobyembre bilang paggunita sa kaniyang kabayanihan. Maliban sa pagiging isang rebolusyonaryo, larawan rin si Gat Andres ng kasipagan at mapagmahal na kapatid sapagkat bagamat naulilang lubos sa murang edad, nagtinda siya ng pamaypay at kinalauna’y nagtrabaho bilang bodegero upang buhayin ang sarili at matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang nakababatang mga kapatid.
Maiiugnay natin ang tema ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa taong ito sa pagkamit ng Kalayaan noong 1898 sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa pagkakaroon ng iisang layunin na wakasan ang mga suliraning panlipunan sa ating bayan. Noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ang laganap na pagmamalabis ng pamahalaang kolonyal ay nagdulot ng labis na kahirapan sa ating bayan.Nagkaisa ang mga Pilipino noon na lumaban para sa kasarinlan hanggang sila’y magtagumpay. Sa kasalukuyang panahon, bagama’t wala na tayo sa ilalim ng pamumuno ng mga dayuhang mananakop, dapat tayong magkaisa upang labanan naman ang kakapusan ng wastong edukasyon, pagkagutom, kawalan ng maayos na hanapbuhay at korapsyon upang matamo natin ang kaunlaran at makalaya tayo sa kahirapan.
Ang pansariling disiplina at pagsunod sa ipinatutupad na batas ang isa sa mga pangunahing hakbang upang mabigyang saysay ang pagdiriwang ng ating Kalayaan. Ang kalayaan ay hindi nagangahulugan na malaya tayong gawin anuman ang ating naisin, bagkus ay may kalakip na responsibilidad bilang mamamayan. Hindi sapat na sabihin lamang nating tayo ay nagmamahal sa bayan. Dapat na may kaakibat itong gawa. Dapat ring tayo ay maging masipag at produktibong mga mamamayan upang tuluyang magapi ang kahirapan. Ang mga kabataan nama’y dapat na pagbutihin ang kanilang pag-aaral nang sa gayo’y magkaroon sila ng maayos na trabaho sa hinaharap at kung magkapamilya ay mapag-aaral rin nila ang kanilang mga anak. Kapag nagkagayon, unti-unting mawawakasan ang kahirapan, kakulangan ng wastong edukasyon at korapsyon sa ating bansa.
Bonifacio, the Katipunan and the Independence Day
BONIFACIO, THE KATIPUNAN AND THE INDEPENDENCE DAY
By Ian Christopher B. Alfonso
On June 13, 2013, the Brazilian nation will celebrate the 250th birth anniversary of one of the pillars of their nationhood, Jose Bonifacio (José Bonifácio de Andrada e Silva). His place in the history of the Brazilian nation is comparable to his two namesakes in the history of Filipino nationhood, Jose Rizal and Andres Bonifacio. Jose Bonifacio, like Rizal, was a polymath, saw the role and value of education to liberate his people against slavery and ignorance, and wanted to preserve Brazil from disintegration by lobbying to Portuguese Cortes (Parliament) the autonomy under Portuguese monarchy (in contrast with Rizal’s idea of recognizing the Philippines as a province of Spain).
On the other hand, Jose Bonifacio, like Andres Bonifacio, heard the desire of the Brazilian people to be free and supported the declaration of Brazilian Independence at Ipiranga Brook in São Paulo on 7 September 1822. The event is called the Cry of Ipiranga, which in the Philippines is comparable to three declarations of Philippine independence: the Cry of Pamitinan, where Bonifacio and other Katipunan leaders declared Philippine independence at the Pamitinan Cave in Montalban, Distrito de Morong (Rodriguez, Rizal) on Good Friday, 12 April 1895; the Cry of Pugadlawin where Bonifacio and members of Katipunan tore their community tax certificates (cedulas personales) as a sign of breaking from Spain’s sovereignty, although accounts provide us various dates, either 20, 24, 25 and 26 August 1896 (and actually even the site, whether in Pugadlawin, Balintawak, Pasong Tamo, Kangkong or Bahay Toro); and lastly the Declaration of Independence in Kawit, Cavite on 12 June 1898, not by Bonifacio but the one who succeeded him, Emilio Aguinaldo, at the window of house.
Following the stories of these events leads us to the realization that there were assorted ways and places of how and where our founding fathers proclaimed Philippine independence. Every event has its own significance and credence, depending on what the time necessitates.
The Filipino nation asserted to accept as our national day the first widely recognized declaration of independence, and that was the Kawit declaration. The Philippine Historical Association convinced then President Diosdado Macapagal in 1962 to move the celebration of Philippine independence from July 4 to June 12. Macapagal realized that June 12 was more symbolical than the other date to the history of the Filipinos’ struggle to become one nation.
The Kawit declaration was witnessed by the representatives of the provinces which recognized Emilio Aguinaldo’s authority (although most of the Philippine provinces were still at fighting with Spain that time). A document of independence, the Acta de la Proclamacion de Independencia del Pueblo Filipino (The Act of Independence of the Filipino People), authored by Ambrosio Rianzares Bautista, was read, sworn to and signed after. The declaration in Kawit led to a much higher affirmation of the Filipinos’ dream to become a nation-state through four significant acts leading to full sovereignty. These were the creation of a Congress (15 September 1898), the ratification of Philippine independence by the Congress (29 September 1898), the creation of the constitution (21 January 1899) and the birthing of the first democratic constitutional republic in Asia (23 January 1899), all taking place in Malolos, Bulacan. According to Aguinaldo, the president of the said republic, the birth of the Republic justified the Filipinos’ fight for independence and assertion for internal and external sovereignty, despite the Treaty of Paris’s discounting the Aguinaldo government’s existence as a mere insurgent government. The same republic defied United States’ intervention to Filipino nationhood, leading to the outbreak of hostilities on 4 February 1899, the Philippine-American War. The memory of this short-lived republic later became the springboard of the Filipinos’ demand for autonomy from the United States government. This led to ten years of Commonwealth government that in turn was interrupted by World War II. The end result was the July 4, 1946 establishment of the current Republic of the Philippines.
Choosing June 12, 1898 as the date of Philippine Independence does not necessarily lessen the value of July 4, 1946. The latter date is still recorded and being taught in History as the grand day of complete, uninterrupted sovereignty (kasarinlan) and independence (kalayaan) that gave birth to our present republic. The move of Macapagal in 1962 only galvanized our determination to decide our own fate and history as a nation.
In the same manner, having our Independence Day on June 12 will not diminish the value of Cry of Pamitinan of 1895 and Cry of Pugad Lawin of 1896. These events will be forever remembered by generations as part of our efforts to move nationhood forward and into reality. However, one must not look at the attributes of a completely independent nation in a modern context when revisiting the three declarations of Philippine independence. One must consider the fact that our forefathers were still struggling for complete independence, believing this could be achieved by first freeing the provinces from the Spaniards. Our revolutionary fathers may have fought independently of each other, in terms of strategy and means, since the early days of the revolution from Pinaglabanan to Cabiao to Cacarong to Arayat to Noveleta to Salitran. But they were united in one goal – to realize the independence of the Philippines by means of revolution led by the Katipunan and Bonifacio. The United States had beginnings like this. The thirteen British states of East Coast in the Americas when they announced independence on 4 July 1776 were still at war with Great Britain.
Tracing the Filipinos’ struggle for independence undeniably forces us to go back to our origins as a nation. The Katipunan ng mga Anak ng Bayan was the spark that lit the fires of freedom in the heart of the Filipinos – spreading the cause of independence from Luzon to the Visayas and up to Mindanao. Although Bonifacio did not live to witness the realization of his dreams, he remains in his exalted place as the “Father of the Philippine Revolution” without which we would not be celebrating Araw ng Kalayaan every 12th of June.